Ampatuans makakalaya?
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pangamba ang isang presidentiable ng partidong Philippine Green Republican Party na maaaring makalaya ang mga miyembro ng pamilyang Ampatuan sa pagbawi ng pamahalaan sa Martial Law sa Maguindanao.
“Ano ang mangyayari sa mga Ampatuan?” ang kuwestiyon ni PGRP presidential candidate Dr. Felix Cantal na dating miyembro ng United Nations Interna-tional Court of Justice.
Sinabi niya na, nang arestuhin ang mga Ampatuan at mga miyembro ng Civilian Volunteer Organization, non-bailable offense ang kasong murder ng mga ito habang nasa ilalim ng Batas-Militar ang Maguindanao. Ngunit nang tanggalin ito ay magkakaroon na umano ng tsansa ang mga Ampatuan na magpiyansa.
Ipinaliwanag pa ni Cantal na sa simula pa lang ay kontra na siya sa Martial Law. Mas nararapat umano na ikinordon na lamang ang Maguindanao para hindi makalabas at makapasok ang mga tao habang iniimbestigahan o inaalam ang mga may sala. Ang pagdedeklara umano ng batas militar ay para lamang sa pansariling interes ng iilan at para proteksyunan ang sinuman. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending