Adiong, acting ARMM Governor
MANILA, Philippines - Inaasahang babalik na sa normal ang sitwasyon ng peace and order sa Maguindanao matapos na manumpa na kahapon si Vice Governor Ansarudding Alonto Adiong bilang acting Governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Sa ginanap na seremonya sa Multi Purpose Hall ng Camp Crame, nangako si Adiong na tutulong sa pamahalaan na determinadong lansagin ang lahat ng mga Private Armed Groups (PAGs).
Pinangunahan ni DILG Secretary Ronaldo Puno ang panunumpa ni Adiong na dinaluhan rin ng mga gobernador at mga opisyal sa buong ARMM Region.
Ayon kay Puno, dahilan nawalan na ng kapabilidad si Zaldy Ampatuan na gampanan ang kanyang trabaho bilang gobernador ng ARMM alinsunod sa batas, si Vice Governor Adiong ang tatayo bilang acting ARMM Governor. May kapangyarihan si Adiong na magtalaga ng mga OICs upang mapunan ang mga bakanteng posisyon sa ARMM.
Si Zaldy ay nasa kustodiya ng militar kaugnay ng pagkakasangkot sa Maguindanao massacre noong Nobyembre 23. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending