^

Bansa

Martial Law posibleng kumalat sa buong Pilipinas

-

MANILA, Philippines - Nangangamba si Se-nator Francis “Chiz” Escu­dero sa posibilidad na maisa­ilalim sa martial law ang buong bansa  matapos na ideklara ito sa lala­wigan ng Ma­guindano.

“I hope this is not the case of Maguindanao today, the Philippines tomorrow,” sabi ni Escudero.

Aniya, malinaw ang isi­­nasaad ng Section 18,   Arti­cle 7 ng Konstitusyon  na maari lang ideklara ang martial law kung mayroong kaso ng “invasion” o “rebellion” na sa ngayon ay hindi naman nagaganap sa ban­sa at tanging sa Ma­guin­danao lamang may banta ng kaguluhan.

“These are not obviously present in Maguin­danao. The current state of emergency would have sufficed to address the clamor for justice for the massacre victims and restore the rule of law in the province,” sabi ni Escudero.

Ipinaalala ni Escudero na nang maglunsad ng all-out war si dating Pangulong Joseph Estrada laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong 2000, hindi ito nagdeklara ng  Martial Law sa Mindanao.

Iginiit naman ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na ma­aaring kuwestiyunin ng si­numan sa Korte Supre­­ ma ang ginawang dekla­rasyon ng martial law ni Arroyo ngu­nit aminado na­­man ito na legal ang na­ sa­bing hakbang ng huli.

Sa­mantala, nakatak- d­ang mag­pulong sa Lu­nes ang Se­nado at Kon­greso para ta­lakayin ang pagdedek­lara ng martial law at isang joint session ang isasa­gawa sa Martes para pag­botohan kung nais nilang palawigin ito

ANIYA

ARTI

CHIZ

KORTE SUPRE

MARTIAL LAW

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SENATOR PANFILO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with