Armored car, 3 police cars, military truck nakuha sa bodega ng mga Ampatuan

MANILA, Philippines - Umaabot sa mahigit 100 pang kahon ng mga bala, mga armas, police vehicles, military trucks   at iba pa ang nasamsam ng mga awtoridad sa isi­na­ga­wang panibagong raid sa bodega ni Maguin­danao Governor An­dal Am­patuan Sr. sa ba­yan ng Shariff Aguak ng lala­wigan kahapon.

Sa phone interview, sinabi ni Col. Leo Ferrer, commander ng Army’s 601st Brigade, bandang alas–3:15 ng hapon nang salakayin ng tropa ng    mili­tar ang bodega ni Gov. Ampatuan na ka- tabi ng Provincial Jail.

Nakuha sa loob nito ang tatlong M16 rifles, mga sako ng palay, mga gamit sa sakahan tulad ng mga tractor, cater-   pillar, dalawang luxury van, isang Humvee, isang armored car, tat­long be­-hi­kulo ng pulisya, isang bus at isang military truck.

Sinabi ng opisyal na mahigit 100 kahon ng mga bala o tig-1,000 ng M16 rifle ang kanilang nakum­piska na may tatak na Armscor Pres­ cision, metallic cartridge na gawa sa Pilipinas.

Ayon sa opisyal, ang nasabing mga bala ay nasa loob ng van Isuzu model V340  na may pla­ kang MVW-612 ni Gov. Am­patuan.

Wala namang naa­resto ang tropa ng militar sa nasabing bodega na itinuro ng mga sibilyang tipster. (Joy Cantos)

Show comments