MANILA, Philippines - San Fernando City, Pampanga - Personal na naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Pangulong Gloria Arroyo para tumakbo bilang kongresista sa ikalawang distrito dito.
Si Arroyo ay naghain ng CoC sa Provincial election registrar office sa Kapitolyo kung saan sinamahan ito ni First Gentleman Mike Arroyo, anak na si 2nd District Rep. Mikey Arroyo at mga alkalde ng lalawigan sa pangunguna ni Lubao Mayor Dennis Pineda. Kasabay din nagsumite ng CoC ni Arroyo ang kumare nitong si Lilia Pineda at running mate na si Vice Gov. Yen Guiao.
Makakalaban ni Pangulong Arroyo sa naturang posis yon si Engr. Feliciano Serrano na naghain ng kanyang CoC noong Nobyembre 23.
Tiniyak naman ni Press Secretary Cerge Remonde na si Pangulong Arroyo pa rin ang magpapatakbo ng gobyerno dahil hindi ito magbibitiw sa pwesto kahit pa tatakbong kongresista.
Aniya, masusi pa rin tututukan ng gobyerno ang kaso ng Maguindanao massacre upang mapanagot ang mga responsable dito. Magtutungo din si Arroyo sa Maguindanao para matiyak ang kapayapaan dito.
Dadalawin din ni Arroyo ang burol ng mga napatay na media men sa Huwebes sa General Santos at Koronadal City para personal na makiramay sa mga kaanak nito. (Rudy Andal)