Bro. Eddie maghahain ng COC ngayon

MANILA, Philippines - Magsusumite ngayon (Nov. 30) ang mga kandi­dato ng Bangon Pilipinas Party (BPP), sa pamu­muno ni Bro. Eddie Villa­nueva, ng certificates of can­didacy (COC) sa Commission on Elections head office sa Intramuros, Manila.

Magsusumite ng COC si Bro. Eddie, kilala bilang reformist leader at ta­ takbo sa plataporma ng totoong pagbabago sa buong bansa, kasama ang anim na senatorial bets ng BPP — Perfecto Yasay Jr., Dr. Israel Virgines, broadcast journalists Kata Inocencio and Alex Tinsay, Atty Ra­moncito Ocampo, at Dr. Zafrullah Alonto.

Dala ng senatorial slate ni Bro. Eddie ang platapor­mang 7Es, na maghahatid sa isang maunlad, mapag­pala at mapayapang Pili­pinas.

Ang 7Es ay — em­po­wer­ment of the people, eman­cipation of the people’s mind and culture, Educating the people in a quality and progressive way, energizing the eco­nomy by prioritizing public works pro­jects in favor of infrastructures and social services, elevating the standards of living of all Filipinos, eradicating bad governance at establishing peace and order all over the land.

Nagpasya si Bro. Eddie na muling tumakbo bilang Pangulo upang mabigyan ang mga Pili­pino ng alter­natibong kan­di­dato na mag­susu­long sa totoong pagba­bago sa bansa, sa paniwalang ang pagiging matuwid at magandang pa­mamahala ay laging mag­kasama upang maka­likha ng mas maunlad na Pilipinas.

Iginiit ni Bro. Eddie na talamak na ang kati­walian sa bansa dahil isi­nantabi na o di kaya’y tulu­yan nang inalis ang pagi­ging matuwid sa pamama­hala.

Ngunit sa pagsusu­long ng Bangon Pilipinas ng totoong pagbabago, hindi pa huli ang lahat para sa mga Pilipinong na­nana­wa­gan sa re­porma sa gob­yerno.

Show comments