Beach, garden, hotel wedding bawal na
MANILA, Philippines - Ipinagbabawal na ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang pagsasagawa ng hotel, garden at beach wedding dahil ito ay taliwas sa totoong kahulugan ng Christian marriage.
Ayon sa Cardinal, sa halip na sa loob ng Simbahan idaos ang matrimon-ya ng kasal, ay pinapupunta ang Pari sa lugar kung saan nais ng mga magkasintahan na idaos ito, na hindi aniya tama.
Batay sa kautusan ng Cardinal, lahat ng Catholic marriages sa Maynila ay dapat sa loob ng mga parokya gagawin.
Ito ay upang maiwa-san na mapulaan at malabag ang sakramento ng kasal at maipatupad ng maayos ang lahat ng “ecclesiastical laws.”
Gayunman, hindi naman sakop nito ang mga “in periculo mortis” cases o kung ang groom o bride ay nasa bingit na ng kamatayan.
Nakasaad sa Canon law na kailangan na sa simbahan lamang isagawa ang kasal at saka isagawa ang reception sa anumang lugar na nais ng nagpakasal.
Aniya, dito mararamdaman ang tunay na sakramento ng pag-iisang dibdib at responsibilidad ng dalawang tao.
Pinaalalahanan din ni Rosales ang mga ikaka- sal na mas dapat tutukan ang solemnity ng kanilang kasal at hindi ang damit, imbitasyon na tulad na nangyayari ngayon sa mga ikinakasal.
Sa ngayon kasi anya ay mas nabibigyang atensyon ang pagiging bongga ng kasal kaysa sa kahalagahan at pagiging solemn nito. (Doris Franche/Mer Layson)
- Latest
- Trending