^

Bansa

Abogado, 2 pekeng PASG nahaharap sa extortion

-

MANILA, Philippines - Isang abogado at dala­wang pekeng ahente ng Presidential Anti Smuggling Group (PASG) ang kinasuhan ng estafa mata­pos umanong mangikil ng malaking halaga mula sa isang negosyante sa Binondo, Manila.

Kinasuhan sa Manila Prosecutors Office sina Johnny Tan, Atty. Manuel Quijano at George Cruz, na naninirahan sa Subic Bay Freeport Zone. Naka­kulong na sina Tan at Quijano sa National Bureau of Investigation detention cell habang nakalalaya pa si Cruz.

Pinasalamatan naman ni Undersecretary Antonio “Bebot” A. Villar Jr. ang GMA-7 anti-crime program na “Imbestigador” ni Mike Enriquez sa pagbubulgar sa modus operandi ng mga suspect.

Nabatid kay Villar na inilapit ng negosyanteng si Romeo Calderon ang kan­yang karanasan sa “Im­bes­tigador” matapos ma­ka­ramdam na kinukuwar­tahan lang siya ng mga suspect.

Ayon kay Calderon, nagpakilala sina Tan at Cruz bilang ahente ng PASG at sinabihan siya na nagwagi sila sa bidding ng nasamsam na tela sa PASG warehouse sa Subic.

Inalok nila ang nasa­bing tela kay Calderon, na may­roong tailoring company, at humingi sa kanya ng P100,000 processing fee.

Humingi pa ang mga suspect ng dagdag na P250,000 para sa processing at panibagong P250,000 para sa delivery.

Nang makaramdam na siya’y naloko, humingi ng tulong si Calderon sa “Imbestigador”. Sa tulong ng NBI, nadiskubre kay PASG-Task Force Subic Chief of Staff P/SSupt. Manuel Obrera na hindi konektado ang mga suspect sa PASG.

Ikinasa ang entrapment operation sa Pancake House sa Juan Luna St. sa Binondo kung saan naaresto ang mga suspect matapos tumanggap ng marked money.

vuukle comment

BINONDO

CRUZ

GEORGE CRUZ

IMBESTIGADOR

JOHNNY TAN

JUAN LUNA ST.

MANILA PROSECUTORS OFFICE

MANUEL OBRERA

MANUEL QUIJANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with