^

Bansa

Pacman dapat gayahin ng mga kabataan

-

MANILA, Philippines - Hinikayat ng Department of Education ang mga kabataan na na­tigil sa pag-aaral at maagang nasub­ sob sa pagtatrabaho na gawing idolo at sundan ang yapak ni boxing icon Manny Pacquiao na tinapos ang edukasyon nito sa pama­magitan ng “Alternative Learning System (ALS)”.

Sinabi ni Secretary Jesli Lapus na hindi dapat ma­walan ng pag-asa na maka­tapos sa pag-aaral ang milyon-milyong “out of school youths” lalo na iyong napilitang magtra­baho na lamang tulad ni Pacquiao.

Natapos ni Pacquiao ang pag-aaral nito sa elementarya at high school nitong 2006 sa pamama­gitan ng progra­mang ALS na maaaring makapag-aral ang isang indibidwal kahit wala sa paaralan sa pama­magitan ng mga materya­les na pag-aaralan nito sa sariling oras at makaka­tapos kung maipapasa ang mga angkop na pagsusulit.

Sinabi pa ni Lapus na kanilang ipinagmamalaki si Pacquiao na kanilang Ambassador para sa ALS. (Danilo Garcia)

ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

HINIKAYAT

LAPUS

PACQUIAO

SECRETARY JESLI LAPUS

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with