Davao nilindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 5.1 lindol ang lalawigan ng Davao Oriental sa Minda­nao alas 3:58 ng madaling araw kahapon.

“Wala tayong inaasa­hang tsunami rito. Ang magnitude ay 5.1 lang, hindi sa­pat para magpa­kilos ng ila­lim ng dagat para magka­roon ng tsunami” ayon kay Phivolcs director Renato Solidum Jr..

Naitala ang epicenter ng lindol sa may lalim ng kara­gatan na 62 kilometro timog ng Mati, Davao Oriental.

Bunsod nito, naram­daman ang lindol sa lakas na Intensity 4 sa Tarra­gona, Davao Oriental; Intensity 3 sa Davao City at Intensity 2 sa bayan ng Caraga, Davao Oriental; Polomolok, South Cota­bato at Tagum, Davao del Norte.

Wala namang naita­lang naapektuhan ang naturang lindol dahil ito ay naramda­man sa karaga­tan. (Angie dela Cruz)

Show comments