Lifting ng EO 839 'insensitive, baseless'

MANILA, Philippines - Mamamayan umano ang kawawa sa planong alisin na ang Executive Order 839.

Ayon sa negosyan­teng si Joey de Venecia III, ang pag-aalis ng Malakanyang sa EO 839 ay “insensitive at baseless” dahil sa hanggang sa ngayon ay hindi pa nakikita o nabubuksan ng pamahalaan ang libro ng 3 malalaking kumpanya ng langis.

Aniya, kung talagang makikita at masusuri ang libro ng Petron, Chevron at Shell ay makikita kung gaano kalaki ang kinikita ng mga ito na kung saan ay kayang-kaya nilang magsakri­pisyo ng ilang buwan para sa nasabing EO 839 nang hindi ma­aapektuhan ang kanilang kita.

Tahasang sinabi ni Joey, mistulang bina-blackmail ng mga kum­panya ng langis ang taumbayan sa pamama­gitan ng pagtatago ng kanilang supply lalo na sa mga lugar na alam nilang kinakailangan partikular sa mga lalawigan.

Binigyang diin ni Joey na dapat kumilos ang Malakanyang bi­ lang gob­yerno na para sa taum­bayan at hindi para sa tatlong kum­panya ng langis. (Butch Quejada)

Show comments