^

Bansa

Gordon report sa ZTE isinuka

- Nina Malou Escudero at Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Isinusuka ng ilang se­nador ang report na ipina­labas ni Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon sa resulta ng im­bes­ ti­gasyon nito sa ano­malya sa naudlot na national broadband network project ng pamahalaan at ng ZTE Corp. ng China.

Idinahilan nila na isina­ma ni Gordon sa pinade­de­manda ang dalawang pa­ngu­nahing testigo sa kaso na sina Jun Lozada at Joey de Venecia III.  

Sinabi ni Senador Jose “Jinggoy” Estrada na hindi siya pipirma sa committee report kung hindi tatang­galin dito ni Gordon ang pa­ngalan nina Lozada at de Ve­necia III na naunang nag­bunyag sa anomalya sa NBN. 

Hindi naman kinuwes­tiyon ni Estrada ang reko­mendasyon ng komite na ka­ suhan ang mag-asa­wang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo.

Sinabi ni Estrada na hindi dapat isinasama sa mga pinakakasuhan ang mga testigo dahil posib­leng maging daan pa ito upang manahimik na la­mang ang mga may gus­tong magbun­yag sa kati­walian sa gob­yerno.

Sinabi ni Senate Minority leader Aquilino Pimentel Jr. na mabuti naman at na­ilabas na kamakalawa ng gabi ng komite ni Gordon ang report pero hindi na­man aniya dapat isi­na­ma ang mga whistle blowers.

Halos ganito rin ang sinabi ni Lacson na kahit siya ay miyembro ng ko­mite ay hindi siya sang-ayon sa kabuuan ng reko­mendasyon ni Gordon.

Ayon naman kay Sen. Francis Escudero, maitutu­ring na “heroic act” ang ginawa nina Lozada at de Venecia III kaya dapat tanggalin ang kanilang pangalan sa inirekomen­dang kakasuhan. 

Samantala, nakahanda ang Malacañang sa anu­mang balak na patalsikin at kasuhan ng impeachment si Pangulong Arroyo ka­ugnay sa inilabas na committee report ng Senado sa NBN-ZTE deal.

Ayon ay Deputy Presidential Spokesperson Lo­relei Fajardo, maraming beses nang tinangkang kasuhan ng impeachment si Pangulong Arroyo pero hindi ito nagtatagumpay dahil puro “tsismis” lamang ang mga akusasyon laban sa Pangulo.

Sinabi naman ni Atty. Ruy Rondain, lawyer ni FG Arroyo, ang Ombudsman pa rin naman ang mana­naig kung dapat sampa­han ng kaso ang mga persona­lidad na tinukoy sa committee report.

Nakasaad sa report na dapat ma-impeach si Mrs. Arroyo da­hil sa pagkabigo nitong gam­panan ang kanyang tung­kulin sa ilalim ng Konstitus­yon sa NBN-ZTE deal.

Pinakakasuhan din ng report sina dating NEDA chief Romulo Neri, dating Comelec chairman Benjamin Abalos, dating House Speaker Jose de Venecia, DOTC Sec. Leandro Men­ doza, Deputy Executive Secretary Ma­nuel Gaite, Asst. Secretaries Elmer Soneja at Lo­renzo For­moso III, at DENR Sec. Lito Atienza. 

AQUILINO PIMENTEL JR.

AYON

BENJAMIN ABALOS

BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIRMAN RICHARD GORDON

DEPUTY EXECUTIVE SECRETARY MA

GORDON

PANGULONG ARROYO

SHY

SINABI

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with