P15 milyon donasyon ng QueÂzon City sa mga biktima ng bagyo
MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Quezon City Council ang P15M donasyon para sa mga naging biktima ng dalawang bagyong nagdaan.
Ayon kay City Council Majority floor leader Councilor Ariel Inton, ang nasabing halaga ay ibinigay sa National Disaster Coordinating Council para maihatid ang tulong sa mga biktima ng bagyo sa Central at Northern Luzon at sa rehabilitasyon nito.
Ang Quezon City Council ay una ng nagpalabas ng P500M calamity fund matapos na tamaan din ng hagupit ng bagyong Ondoy at Pepeng ang mga residente dito.
Samantala, nagpanukala naman ang ilang mambabatas sa Kongreso sa pagtataas ng pondo ng calamity fund ng NDCC matapos na masimot ang pondo nito sa rescue, relief at rehabilitation sa mga biktima at nasalantang lugar habang kinontra din ni Inton ang pagsusulong sa Kongreso para sa isang batas na magpapataw ng buwis sa text messaging. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending