^

Bansa

Ayon sa Palasyo: Puno na-'pressure' kaya umatras

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Inamin kahapon ng Malacañang na nagha­ha­nap pa rin sila ng running mate para sa ka­ni­lang presidential candidate na si Defense Secretary Gilbert Teodoro matapos umatras na si Department of Interior and Local Government Secretary Ro­naldo Puno.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Er­mita, presidente ng La­ kas-Kampi-CMD, ma­ingat at malawak ang kanilang ginagawang proseso sa paghahanap ng vice presidential candidate.

Agad ding nilinaw ni Ermita na nagkaroon ng pressure sa panig ni Puno kaya umatras ito sa kan­yang planong maging running mate ni Teodoro.

Kabilang sa mga lu­mulutang na pangalan na posibleng makatam­bal ni Teodoro sina Se­nator Loren Legarda at Ba­tangas Governor Vil­ma Santos pero nilinaw na­man ni dating Senator Ralph Recto na hindi tatakbong bise presi­dente ang kanyang asa­wa.

Idinagdag ni Ermita na may mga nagpalu­tang lamang ng panga­lan nina Legarda at Vil­ma Santos dahil patuloy pa ang paghahanap nila ng running mate ng ka­nilang standard bearer.

Kamakalawa ng gabi ay nagdeklara na si Legarda na tatakbong vice president pero hindi niya tiniyak kung sino ang kaniyang magiging ka-tandem bagaman at ka­partido niya si Senator Francis “Chiz” Escu­dero na inaasahang magde­deklara namang tatak­bong presidente sa su­sunod na linggo.

Inamin naman ni Rec­to sa isang pana­yam na marami ang lu­malapit sa kanya kabi­lang na ang mga taga-Malacañang upang ku­ning running­mate ni Teodoro ang kan­yang asawa.

“Hindi siya (Vilma) interesadong tumak­bong vice president at iyan ay paulit-ulit na niyang si­nasabi,” ani Recto.

Ipinagmalaki pa ni Recto na hindi lamang pagka-gobernador ng Ba­tangas ang ginagam­panan ng kanyang misis dahil isa rin itong ina at artista.

Ipinahiwatig ni Recto na muling tatakbong gobernador ng Batangas si Ate Vi na matatapos pa lamang ang unang ter­mino sa darating na taon.

Mahuhusgahan ng mga taga-Batangas kung pasado sa kanila ang unang termino ni Ate Vi bilang gober­nador kung muli itong ibabalik sa kanyang po­sisyon.

Idinagdag pa ni Rec­to na kung siya ang tata­nungin mas maka­kabu­ting kumuha ng taga Vi­sayas si Teodoro bilang kanyang running­mate.

Inirekomenda ni Rec­­to si Cebu Governor Gwen Garci na sigurado umanong makakapagbi­gay ng solid vote para kay Teodoro.

ATE VI

BATANGAS

CEBU GOVERNOR GWEN GARCI

DEFENSE SECRETARY GILBERT TEODORO

ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ER

GOVERNOR VIL

SHY

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with