CCTVs walang silbi!
MANILA, Philippines - Kinastigo ni Gabriela party-list Rep. Liza Maza ang kawalang silbi ng mga Closed Circuit Television Cameras (CCTVs) sa ma tataong lugar sa Metro Manila dahil sa kabiguan nitong mapigilan ang nakawan sa isang tindahan ng mamahaling relo sa Greenbelt 5 noong Linggo.
Sinabi ni Maza na ang naganap na robbery sa Waltermart kamakailan at ang pagtaas ng krimen sa Maynila ay hudyat na mahina ang liderato ni National Capital Regional Police Office Director Chief Supt. Roberto Rosales.
Dismayado ang mambabatas kung papaano rumisponde at hinawakan ng NCRPO ang nasabing insidente. “Panahon nang tignan ang performance ni Rosales,” ani Maza. “Pa-pogi” tactic lamang ni Rosales ang kanyang pahayag na tukuyin ang Alvin Flores Gang bilang nasa likod ng nasabing nakawan sa Greenbelt 5.”
“Nagpapakita lamang ito ng mahinang pamumuno ni Rosales. Sinasabi nya na pikon na pikon na sya sa grupo na yan, and yet di nila matukoy o mapangalanan sinu-sino yung mga nasa likod mismo ng panghohold-up sa mga mall,” pahayag ni Maza.
“Milyunes ang intelligence funds. Anong ginagawa nila? Inutil ang police forces kaugnay ng pag huli sa mga suspek sa Greenbelt 5,” sabi pa ng kongresista.
Pinuna rin ni Maza na tila abala umano si Rosales sa kanyang ambisyon na maging PNP chief kaya hindi niya natututukan nang maigi ang peace and order sa Metro Manila.
- Latest
- Trending