^

Bansa

Cagayan binayo ni Pepeng

- Nina Joy Cantos at Angie Dela Cruz -

MANILA, Philippines - Matinding hagupit ang ibinigay kahapon ng bag­yong Pe­peng sa lalawi­gan ng Cagayan matapos na mag-landfall dito at nag­dulot ng blackout, paglili­paran ng yero ng bahay, billboards at pag­katumba ng mga puno at poste.

Ayon kay Police Regional Office Director Chief Supt. Roberto Da­mian, 2,500 pamilya ang kani­lang inilikas base pa rin sa preemptive evacuation na iniutos ng National Disaster Coordinating Council (NDCC). Ma­aga din inilikas ang mga residenteng nasa coastal area at paanan ng bun­dok.

Dakong alas 2:48 pa lang ng hapon ay nag-landfall na ang bagyong Pe­ peng kumpara sa ina­asahan ng PAGASA na ito ay mana­nalasa sa pa­gitan ng alas-7 hanggang alas-9 ng gabi kahapon kung saan may dalang 175kph at hangin na 210 kph at mga pag-ulan.

Ayon pa sa NDCC, naputol din ang mga linya ng komunikasyon at kur­yente dito matapos na mabuwal ang mga puno at poste. Marami din ka­bahayan ang tinanggalan ng bubong ni Pepeng.

Una ng itinaas ang signal No. 3 sa Batanes Group of Island, Caga­yan, Ba­bu­yan Island, Ca­layan Island, Ilocos Norte, Abra, Apayao, Kalinga at Northern Isa­bela. Napaulat din na da­lawa ang nasawi sa bagyo.

Signal number 2 na­man sa nalalabing bahagi ng Isabela, Ilocos Sur, Mt. Province, samantalang signal no. 1 sa La Union, Ben­guet, Nueva Vizcaya, Qui­rino, Aurora, Nueva Ecija at Eastern Panga­sinan.  

Samantala, pinalad naman ang mga taga-Metro Manila na hindi matikman ang lupit ni Pepeng matapos na lumi­his ito ng direksyon nang higupin ng high pressure area na malapit sa ban­sang Taiwan.

Ngayong Linggo, si Pepeng ay inaasahang nasa layong 70 kilometro hilagang kanluran ng Aparri, Cagayan o nasa 50 kilometro timog kanluran ng  Calayan Island at sa Lunes ay ina­asahang nasa layong 120 kilometro kanluran ng Basco, Batanes at nasa layong 200 kilometro ng hilaga hilagang kanluran ng Basco, Batanes.

AYON

BASCO

BATANES

BATANES GROUP OF ISLAND

CALAYAN ISLAND

EASTERN PANGA

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

PEPENG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with