Disaster Hotline pinagana ni Recom

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan kaha­ pon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang publiko na mayroon nang apat na hotline numbers na inilaan ang City Government para mabilis itong maka-responde sa kalamidad, emergency, rescue at relief.

Ayon kay Mayor Re­com, ang naturang hotline service-Caloocan South (Barangay 1-164) 324-51-68, 324-45-67; at Caloocan North (Barangay 165-188) 386-65-68-ay tinatauhan at minomonitor 24-oras araw-araw. Maaari ring mag-text ang mga residente sa 0939-471-7791 para aga­rang maparating ang kani­lang karaingan.

Samantala, hinikayat ng alkalde ang mga resi­dente at negosyante sa siyudad na gawin ang lahat ng kaukulang paghahanda laban sa super typhoon “Pepeng”.

Show comments