^

Bansa

Jinggoy kay Ping: Kasuhan mo 'ko

-

MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni Senate Pro Tempore si Senator Panfilo “Ping” Lac­ son na sampahan siya ng kaso sa korte kaugnay sa mga ibinunyag nito kaha­pon sa Senado kung saan isinasangkot siya sa ilegal na jueteng.

Sa talumpati ni Lacson kahapon, ibinunyag nito ang dalawang presidential brothers na nakakakuha umano ng P1 milyong jue­teng payola buwan-buwan mula sa operator ng ilegal na sugal sa Baguio City.

Tinawagan umano ng nakakatandang anak ng presidente ang jueteng ope­rator upang utusan na hatiin ang ibinibigay na jueteng payola sa kanilang dalawa.

“‘Yung P1M na ibinibi­gay mo sa kapatid ko, hatiin mo. Sa akin mo ibigay ang kalahati, baka gamitin lang pambili ng drugs ‘yung pera,” sabi umano ng naka­katandang kapatid sa operator ng jueteng.

Bukod pa umano sa nakukuhang share na P500,000 mula sa naka­kabatang kapatid, naka­kakuha pa rin ang nasabing “kuya” ng buwa­nang payola na P800,000 mula sa jueteng operator sa Bu­lacan, at P1 milyon mula kay dating Ilocos Sur Gov. Luis Singson.

Ibinunyag din ni Lacson ang isang pag-uusap sa telepono nina Jinggoy at ng dating kaibigan ng ama nito na si Charlie “Atong” Ang noong 2006. Nang pana­hong iyon, takdang paba­likin sa Pilipinas si Ang mula sa Amerika para tumestigo sa kasong plunder laban sa dating pangulo.

“Pare, kung uuwi ka, kung ano man ang plano mo, huwag mo na kaming idamay ni mommy. Si daddy na lang, kaya niya namang i-depensa ang sarili niya. May ambisyon pa ako. Magpe-presidente pa ako. Ako ang bahala sa ‘yo,” ang sabi ng lalaking nasa kabilang linya kay Ang.

Tumanggi naman si Jinggoy na i-interpelate si Lacson at sa halip ay na­ngako na magbibigay ng kaniyang sariling talumpati ngayon upang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya.

Samantala, iniugnay na rin ni Lacson si Estrada sa pagkamatay ni Edgar Ben­tain, ang casino worker na pinaniniwalaang naglabas ng video kung saan nakiki­tang nagsusugal sa casino si Estrada noong vice president pa lamang siya ng bansa. (Malou Escudero)

vuukle comment

BAGUIO CITY

EDGAR BEN

ILOCOS SUR GOV

JINGGOY

LACSON

LUIS SINGSON

MALOU ESCUDERO

SENATE PRO TEMPORE

SENATOR PANFILO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with