MANILA, Philippines - Pinahihingi ng paumanhin ng Kilusang Mayo Uno (KMU) si Vice President Noli de Castro matapos itong magpakita ng pagkapikon ng sigawan ng ilang urban poor ng magtalumpati ito kamakalawa sa Laguna.
Sinabi ni KMU Chairman Elmer Labog na ipinakita na ni de Castro sa publiko ang tunay na ugali nito na pagiging anti-poor.
Mula umano sa pagiging boses ng bayan noong anchor pa ito sa telebisyon ay nagiging kalaban na ito ng mahihirap at mukhang naha wa na raw ito sa tinatawag nilang demolition king na si MMDA Chairman Bayani Fernando.
Ayon kay Labog, madaling naputol ang pisi ni de Castro sa urban poor group na nagprotesta dito kamakalawa dahil hindi naman maimpluwensiya.
Pero sa ginawa umano nito sa Laguna, lalong sinira ni de Castro ang tsansa nitong umangat pa sa politika.
Nitong Huwebes, si de Castro ay napikon at tinawag na KSP o kulang sa pansin ang mga maralitang tagalungsod na tumawag dito bilang tuta ni Pangulong Gloria Arroyo. (Angie dela Cruz)