MANILA, Philippines - Nakapasok si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan sa listahan ng walong semi-finalists sa Presidential Lingkod-Bayan award mula sa Civil Service Commission (CSC).
Si Libanan ang tanging presidential appointee na nanomina sa prestihiyosong award ngayong taon.
“I am grateful to the CSC for this recognition. This has truly inspired me to continue to work harder in transforming our immigration service into a world-class and efficient agency worthy of our people’s pride and the respect of our foreign visitors,” wika ni Libanan matapos tumanggap ng sertipikasyon ng pag kilala bilang semifinalist kamakailan sa Camp Crame, Quezon City.
Naniniwala si Libanan na ang pagkilala ay resulta ng seryoso at walang sinasantong reporma na kanyang sinimulan sa BI mula nang maitalaga noong May 2007.
Pinapurihan ng BI chief ang rank-and-file ng BI sa pagsuporta sa kanyang mga programa, tulad ng visa issuance made simple (VIMS) scheme, pre-arranged visa upon arrival (PVUA) program, special visa for employment generation (SVEG), ang regionalization program, at ang paglalagay ng BI satellite offices.
Naisama si Libanan sa nasabing listahan dahil sa kanyang paglilinis sa ahensiya na tinagurian noon bilang isa sa pinakatiwaling ahensiya ng gobyerno.
Napatigil din ni Libanan ang talamak na escort racket sa NAIA at sa walang humpay na kampanya niya laban sa human trafficking at illegal recruitment. (Butch Quejada)