^

Bansa

BI chief pasok sa top 8 ng 'Lingkod-Bayan' award

-

MANILA, Philippines - Nakapasok si Bureau of Immigration (BI) Com­mis­sioner Marcelino Liba­nan sa listahan ng walong semi-finalists sa Presidential Lingkod-Bayan award mula sa Civil Service Commission (CSC).

Si Libanan ang tanging presidential appointee na nanomina sa prestihi­yosong award ngayong taon.

“I am grateful to the CSC for this recognition. This has truly inspired me to continue to work harder in transforming our immigration service into a world-class and efficient agency worthy of our people’s pride and the respect of our foreign visitors,” wika ni Libanan ma­ta­pos tu­mang­gap ng ser­tipi­ka­syon ng pag­ ki­lala bilang se­mi­fi­na­list kama­ka­ilan sa Camp Crame, Quezon City.

Nanini­w­ala si Libanan na ang pagkilala ay resulta ng seryoso at walang sina­san­tong re­porma na kan­yang sinimulan sa BI mula nang maitalaga noong May 2007.

Pinapurihan ng BI chief ang rank-and-file ng BI sa pagsuporta sa kanyang mga programa, tulad ng visa issuance made simple (VIMS) scheme, pre-arranged visa upon arrival (PVUA) program, special visa for employment ge­neration (SVEG), ang regionalization program, at ang paglalagay ng BI satellite offices.

Naisama si Libanan sa nasabing listahan dahil sa kanyang paglilinis sa ahen­siya na tinagurian noon bilang isa sa pinakatiwaling ahensiya ng gobyerno.

Napatigil din ni Libanan ang talamak na escort racket sa NAIA at sa walang humpay na kam­panya niya laban sa human trafficking at illegal recruitment. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CAMP CRAME

CIVIL SERVICE COMMISSION

LIBANAN

MARCELINO LIBA

PRESIDENTIAL LINGKOD-BAYAN

QUEZON CITY

SHY

SI LIBANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with