^

Bansa

It's Gibo!

- Nina Butch Quejada, Rudy Andal at Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Si Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro ang pinili kahapon ng national executive committee ng makaadminis­tras­yong Lakas-Kabalikat ng Malayang Pilipino-Christian Muslim Democrat bilang kandidato nitong presidente sa halalan sa susunod na taon.

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Er­mita na mayorya ng mga miyembro ng komite ang bumoto para kay Teodoro pero hindi siya nagbigay ng bilang. Gayunman, isang opisyal ng partido na tumangging magpa­banggit ng pangalan ang nagsabing 42 boto ang nakuha ng kalihim sa­mantalang lima lang ang pumabor sa katunggali nitong si Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fer­nando.

Inihayag naman ni Lakas-Kampi-CMD Secretary General Gabriel Claudio na ipararatipika sa gagawin nilang national convention ang pagkakapili ng komite kay Teodoro.

Idinagdag ni Claudio na napipisil din ng komite na maging running mate o bise presidente ni Teodoro si DILG Secretary Ronaldo Puno.

Ayon kay House Spea­ker Prospero Nograles na siya ring executive vice chairman ng partido, su­portado si Teodoro ng 3,000 halal na opisyal sa bansa.

Sinabi ni Puno na isang matalinong hak­bang ang desisyon ng National Executive Committee mata­pos na hira­ngin si Teodoro bilang standard bearer dahil pinakakuwalipikado ang kalihim na isang bar topnotcher.

Sa panig naman ni Teodoro, kumpiyansa ito na aangat na siya sa survey matapos na pormal ng hirangin ng partido bilang standard bearer sa pampanguluhan.

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ER

HOUSE SPEA

MALAYANG PILIPINO-CHRISTIAN MUSLIM DEMOCRAT

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY CHAIRMAN BAYANI FER

NATIONAL EXECUTIVE COMMITTEE

PROSPERO NOGRALES

SECRETARY GENERAL GABRIEL CLAUDIO

SECRETARY RONALDO PUNO

SHY

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with