MANILA, Philippines - Dalawampung li bong manggagawa o higit pa ang kakailanganin ng North Harbor sa pagsisimula ng modernisasyon ng nabubulok na pantalan.
Kabuuang P14.5 bilyon pondo ang inihanda ng nagwaging Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) at Harbour Center Port Terminal (HCPT) para sa modernisasyon ng North Harbor upang maihanay sa mga modernong daungan sa ibang bansa.
Sinabi ni Tricia Sandejas, tagapagsalita ng Harbour Center, igagalang nila ang Terms of Reference (TOR) na inilatag ng PPA kung saan lahat ng trabahador sa pantalan ay hindi tatanggalin ng nanalong bidder kasama na rin ang collective bargaining agreement sa mga unyon.
Aniya, hindi mawawalan ng trabaho ang mga manggagawa sa pantalan bagkus ay magbubukas pa ito ng dagdag na 10,000 hanggang 20,000 bilang ng mga bagong manggagawa.
Ayon kay Sandejas, nakatakda nang simulan ang modernisasyon ng North Harbor sa taong ito matapos ang mahigit da lawang taong bidding process.
Noong nakaraang linggo ay binuksan ng special bids and awards committee ang mga dokumento na isinumite ng consortium at lumabas na ang HCPT-Metro Pacific ang tanging grupo ng bidders na nakapasa sa pre-qualification at bidding requirements ng PPA matapos hindi makapag-submit ng kanilang kumpletong dokumentasyon para sa proyekto ang kalaban nilang Asian Terminal Inc. (ATI) at iba pang sumali sa bidding. (Butch Quejada)