Ayon sa Malacañang: Noynoy di tatagal sa survey
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng Malacanang na walang dapat ipagdiwang ang kampo ni Senador Benigno Simeon “Noynoy” Aquino sa pangunguna niya sa survey ng Social Weather Station dahil inaasahan na ito bunga ng pag-atras ni Senador Mar Roxas at pagbibigay-daan sa kanya bilang standard bearer ng Liberal Party.
Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita, interim president ng Lakas-Kampi-CMD, hindi na maituturing na pangmatagalan ang pangunguna sa survey ni Noynoy dahil bunga lamang ito din ng simpatya sa namayapa niyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino.
Sinabi pa ni Ermita na maituturing na pansalamantala lamang ang popularidad ni Noynoy sa mga survey lalo na kapag inihayag na ng Lakas-Kampi-CMD ang kanilang magiging pambato sa 2010 elections.
Sinabi rin ni Presidential Political Adviser Gabriel Claudio na masyadong malayo pa ang eleksyon para masiguro ni Noynoy ang kanyang pangunguna sa mga survey. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending