Gibo standard bearer ng Lakas

MANILA, Philippines - Inaasahang si Defense Secretary Gilbert Teodoro ang ihahayag na standard bearer ng Lakas-Kampi-CMD sa darating na 2010 elections dahil sa malawak na suporta sa kanya mula sa mga pamahalaang lokal.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang impormante, malaking bagay ang pag-endorso ng League of Provinces of the Philippines kay Teodoro.

Naunang inihayag ni Executive Secretary Eduardo Ermita, interim president ng Lakas-Kampi-CMD, ang final meeting ng partido ngayon ay upang mamili sa pagitan lamang nina Teodoro at Metropolitan Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando upang maging pambato ng administrasyon sa 2010 elections. (Rudy Andal)

Show comments