Relihiyon huwag gawing pamantayan sa pagpili ng kandidato - obispo
MANILA, Philippines - Hindi umano dapat gawing pamantayan ng tao ang relihiyon o pagiging malapit sa obispo para ihalal ang isang pinuno ng bansa.
Ito ay ayon kay Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso kaugnay sa pagdedeklara ng kandidatura ni Senador Benigno “Noynoy” Aquino III, na ang pamilya, partikular na ang kanyang inang si dating Pangulong Corazon Aquino, ay kilala sa pagiging malapit sa Simbahang Katoliko.
Ipinaliwanag ni Medroso, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Canon Law (ECCL), dapat tingnan ang kakayahan, katapatan at moralidad ng isang pinuno kung papaano niya pamahalaan ang bansa at hindi ang kanyang im pluwensya sa lipunan.
Aminado naman ang Obispo na sa ngayon ay hindi niya pa gaanong nakikita kay Noynoy ang mga katangian ng pagiging Pangulo ng bansa lalo na sa standard ng moralidad.
Aniya, kaya nga dapat na ikonsidera ng tao ang moralidad dahil kung hindi ay posibleng magkaroon political dynasty. Kung pagbabatayan umano ang pangalang Aqui no, nakakatakot umano ito na maging daan sa pagkakaroon ng dynasty.
Nilinaw din ni Medroso na walang halong pulitika ang ginawang nationwide mass kaugnay sa paggunita ng ika-40 araw ng kamatayan ng dating Pangulong Corazon Aquino.
Pasasalamat lamang ng magkakapatid na Aquino sa publiko ang kanilang nakikitang pagdalo sa iba’t ibang misa ng magkakapatid na Aquino. (Doris Franche/Mer Layson)
- Latest
- Trending