Petisyon vs poll automation ibinasura na ng SC
MANILA, Philippines - Tuluyan nang ibinasura kahapon ng Korte Suprema ang petition ng Concerned Citizen Movement (CCM) na kumukuwestiyon sa pinasok na kontrata ng Com mission on Elections (Comelec) sa pagitan ng Smartmatic at Total Information Management para sa P7.2B computerized election.
Sa 49-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr, sa botong 11-3 sinabi nito na hindi umabuso sa kapangyarihan ang Comelec ng pasukin nito ang kontrata.
Giit pa ng Korte, hindi maaring ibasura ang kontrata dahil sa kawalan ng pilot testing sa mga gagamiting makina tulad ng ginigiit ng CCM dahil hindi naman ito pre-requisite sa 2010 poll automation.
Nilinaw pa na ang hahawakan lamang ng Smartmatic ay ang technical aspect nito at hindi ang buong proseso ng election at mananatiling ang Comelec ang siyang mangangasiwa nito base sa nakasaad sa kontrata.
Sa oral arguments sa Korte Suprema, maliit lamang ang tiyansa na ma-hack o mapasok ng ibang tao ang system ng Smartmatic dahil isa hanggang 2 minuto lamang ang itatagal nito sa pagtatransmit ng resulta.
Maaari pang maghain ng motion for reconsi deration ang CCM sa pangunguna ni Atty. Harry Roque sa loob ng 15-araw. (Gemma Garcia)
- Latest
- Trending