^

Bansa

Among Ed, Padaca umatras na rin

- Nina Rose Tesoro, Doris Franche at Mer Layson -

MANILA, Philippines - Tuluyan na ring uma­tras sa kanyang kandida­tura para maging pangulo si Pampanga Governor Ed Panlilio at Isabela Go­vernor Grace Padaca para suportahan si Sena­dor Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon kina Panlilio at Padaca, mas minabuti nilang umatras sa kani­lang kandidatura para mabigyang daan ang ta­wag ng pagmamahal sa bayan. Ito rin anya ay resulta ng kanyang pa­nanalangin at pagkonsul­ta sa mga supporters niya.

“”Pagkatapos ng aming pagdarasal, pakikilahok sa mga kaganapan sa ating lipunan, pag-iisip at pag­kon­sulta sa aming mga taga-suporta, nagpasya kaming lahat na tugunan ang tawag ng pagma­ma­hal sa bayan, sakripisyo at pagkakaisa na pinanguna­han na ni Senator Mar Roxas noong Martes. Ibi­nibigay namin ang aming buong suporta at pagtiti­wala kay Senador Benigno “Noynoy” Aquino III bilang kandidato sa pagkapa­ngulo ng ating bansa,” ayon sa joint statement ng dalawang gobernador.

Sa ginanap na pu­long-balitaan sa Club Filipino, nagsuot ng dilaw at hinikayat din nina Panlilio at Padaca ang iba pang presidential aspirant na bawiin ang kandidatura ng mga ito para suporta­han si Noynoy at maki­anib sa reform movement dahil malaki ang panini­wala ng mga ito sa kaka­yanan ni Noynoy na ma­ging pangulo ng bansa.

Una ng umatras si Sen. Roxas sa planong pagtakbo sa 2010 presidential election para su­portahan si Noynoy na ngayon ay nasa ikala­wang araw ng spiritual retreat sa Mindanao.

Sa ngayon pinag-iisipan pa ni Panlilio kung tatakbong muli bilang Gobernador ng Pam­panga pagkatapos ng kaniyang termino, o sa ibang posisyon sa Gob­yerno o di kaya ay babalik sa pagiging Pari.

Ikinatuwa naman ng Catholic Bishops Conference of the Philippine (CBCP) at ng apat na obispo ang nasabing pag-atras ni Panlilio.

Iisa ang pahayag nina CBCP President at Jaro Archbishop Angel Lagda­meo, Pampanga Auxiliary Bishop Ambo David, No­valiches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Marbel Bishop Dinualdo Gutier­rez at Caloocan Bishop Deo­ gracias Iniguez sa naging desisyon ni Pan­lilio dahil mas maseser­bisyuhan pa nito ang kanyang nasasa­kupang lalawigan.

Anila, dapat ay buma­lik na lang si Panlilio sa pagiging pari dahil tunay na narito ang kanyang puso.

AQUINO

BISHOP EMERITUS TEODORO BACANI

CALOOCAN BISHOP DEO

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINE

CLUB FILIPINO

GRACE PADACA

ISABELA GO

NOYNOY

PANLILIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with