^

Bansa

CHR pasok sa inabusong katulong

-

MANILA, Philippines - Iimbesti­ga­­­han ng Commission on Human Rights ang umano’y pisikal at men­tal na pag-abuso ng Chinese billionaire na si Ma­ riano Tanenglian sa kan­yang kasambahay.   

Pag-aaralan din ng CHR kung hihilingin sa Bureau of Immigration na maglabas ng hold-departure order laban sa suspect, ayon kay Atty. Carmelita Rosete, pinuno ng CHR Protection and Monitoring Division.     Ayon kay Rosete, sinisilip ng CHR ang anggulong pagla­bag sa karapatang pambata at child trafficking sa kaso ni Mary Jane Sollano na na­iligtas sa tahanan ni Ta­nenglian ng pinagsanib na puwersa ng CHR, Department of Social Welfare and Development at Quezon City Police District.   

Ipinaliwanag ni Rosete na menor de edad pa lang si Sollano nang una itong kunin bilang katulong.    Nang masagip, puro paltos ang mga kamay ni Sollano dahil sa mainit na tubig na ibinuhos ni Tanenglian.     Nagsampa na si Sollano ng kasong maltreatment, serious illegal detention, slavery at frustrated homicide sa Department of Justice laban kay Tanenglian, sa asawa nitong si Aleta at mga anak nilang sina Maximilian at Fayette.        

Idinetalye ni Sollano kung paano umano siya duma­nas ng pisikal at mental na pag-abuso mula sa pamilya Tanenglian sa kanilang tahanan sa Bgy. Siena sa Quezon City mula July 2004 hanggang Aug. 10 ng taong ito.   

Ayon kay Sollano, pi­nag­bawalan siya at iba pang kasambahay na gumamit ng telepono, cellphone, tu­mawa, maupo sa mga upuan ng pamilya, tumingin sa labas ng bintana, ma­nood ng TV, kumain ng anu­mang oras, matulog at mag­pahinga. (Butch Quejada)

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CARMELITA ROSETE

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

HUMAN RIGHTS

SHY

SOLLANO

TANENGLIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with