^

Bansa

Paggunaw ng mundo sa 2012 kinontra ng CBCP

-

MANILA, Philippines - Iginiit ni Catholic Bi­shop Conference of the Philippines - National Tribunal of Appeals Judicial Vicar, Lingayen - Dagupan Archbishop Oscar Cruz, na tanging Diyos lang ang nakakaalam kung kailan magugunaw ang mundo matapos na magbigay ng prediksyon ang Maya Calendar na nakatakdang ma­gunaw ang mundo dakong 12:00 ng tanghali sa Disyembre 21, 2012.

Binigyang-diin ni Cruz na maraming tao na ang nagsabi at nagbigay ng partikular na petsa ng pag­gunaw sa daigdig ngunit hindi naman nang­yari ang prediksiyon bag­kus, na­matay na ang ilan sa mga ito ngunit anya, patuloy pa rin umiikot ang mundo kaya patunay ito na walang sinuman ang may alam ng eksaktong petsa kung kailan matatapos ang san­libutan. Posible ani­yang may personal na interes o motibo ang mga ito kaya nagbibigay ng nasabing prediksyon. Tiniyak pa ni Cruz na matapos ang Disyembre 21, 2012 ay tiyak na may bukas pa at magpapatuloy ang buhay sa mundo. (Mer Layson)

BINIGYANG

CATHOLIC BI

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CRUZ

DAGUPAN ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

DISYEMBRE

MAYA CALENDAR

MER LAYSON

NATIONAL TRIBUNAL OF APPEALS JUDICIAL VICAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with