^

Bansa

Ceasefire malabo sa peace talk

-

MANILA, Philippines - Walang plano ang gobyerno na magdeklara ng tigil-putukan sakaling magpatuloy muli ang usapang pakikipagka­payapaan sa Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front.

Sinabi ni Defense Sec­retary Gilberto Teodoro Jr. na sasamantalahin la­mang ng NPA ang tigil-putukan para manalakay sa mga pasilidad ng gob­yerno at tropa.

Sa kabila nito, tiwala naman si Teodoro na ma­i­susulong ang negosas­yon para sa ikatatamo ng kapayapaan.

Sa pagtaya ng kali­him, patuloy na umaani ng tagumpay ang counter-insurgency operations ng pamahalaan sa Davao matapos na maitaboy na ang mga rebel fronts sa Compostella Valley patu­ngo sa bahagi ng Agu-san del Sur.

Muling naudlot ang usa­pang-pangkapaya­paan nang gawing kun­disyon dito ni CPP foun­der Jose Maria Sison ang pagpa­pa­laya sa mga consultant nito na naka­ku­long dahil sa iba’t ibang kaso tulad ng murder at kidnapping. (Joy Cantos)


AGU

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

COMPOSTELLA VALLEY

DEFENSE SEC

GILBERTO TEODORO JR.

JOSE MARIA SISON

JOY CANTOS

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

NEW PEOPLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with