^

Bansa

Boxing shorts, robes at belt ni Donaire inalay sa pamilya Aquino

-

MANILA, Philippines - Ibinigay kahapon ni World Boxing Association interim superflyweight champion Nonito Donaire ang dilaw niyang boxing shorts na suot niya sa kanyang championship fight, boxing robes at replica ng kanyang championship belt sa pamilya Aquino bilang pagbibigay-pugay sa namayapang dating Pa­ ngu­long Corazon Aquino.

Personal na iniabot ni Donaire ang kulay dilaw na boxing shorts, robe at belt sa pinakaunang apo nina Pangulong Aquino at dating Senador Benigno Aquino Jr. na si Jiggy Aquino sa isang simpleng seremonya matapos ang misa sa St. John Bosco sa Makati City.

Ayon kay Donaire, nag­silbi umanong inspirasyon niya ang namayapang Pa­ngulong Aquino sa kanyang laban kontra kay Rafael Concepcion ng Panama kung kaya napagtagum­payan niya ito.

Bilang pagpapakita naman ng kanilang pasa­sa­lamat sa boxing champion, isang “framed portrait” ng buong pamilya Aquino ang ibinigay ng mga anak nina Cory at Ninoy na sina Ballsy at Pinky.

Sinabi ng pamilya Aqui­ no na hindi lamang kinata­wan ni Donaire ang kanilang ina ngunit maging ang buong sambayang Filipino. Buong puso umano nitong inialay ang laban na siyang ibig sabihin ng pa­ngalang Corazon. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AQUINO

CORAZON AQUINO

DANILO GARCIA

DONAIRE

JIGGY AQUINO

MAKATI CITY

NONITO DONAIRE

PANGULONG AQUINO

RAFAEL CONCEPCION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with