^

Bansa

Pagkabangkarote 'di totoo - Philhealth

-

MANILA, Philippines - Itinanggi ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na ito ay patungo sa pagkabang­karote dahil sa malaking utang ng Department of Budget na nagkakahalaga ng P19 bilyon.

Ayon kay Philhealth executive vice-president Melinda Mercado, hindi nalulugi ang nasabing korporasyon bagkus ay matatag ang financial status nito at mayroon pang reserve funds.

Sa katunayan aniya ay umabot sa P10B ang kinita nito noong 2008 kumpara noong 2001 na P5 bilyon lang. Nilinaw nito na nag­kamali lang ng pagka­kaintindi ang ilang Senador sa ibinigay na pahayag ni VP Nerissa Santiago ng humarap ito sa hearing ng Senado.

Bunsod nito’y, walang dapat na ipag-alala ang mga miyembro ng Phil­health dahil ito ay matatag at patuloy na makaka­pag­bigay ng serbisyo at bene­pisyo, lalo pa kung paiig­tingin ang pangongolekta ng kontribusyon o premium sa mga miyembro nito.

Sinabi naman ni Budget Secretary Rolando Andaya Jr., na handa ang national government na bayaran ang anumang pagkukulang ng gobyerno sa Philhealth lalo pa at wala naman sa P19B ang utang nito batay sa kani­lang computation.

Nilinaw pa rin nito na ang pagkakautang ng gob­yerno sa Philhealth ay di dahil sa ipinamahagi nitong Philhealth cards kundi sa biglaang pag­ taas ng premium nito sa kalagit­naan ng taon. (Rudy Andal)

BUDGET SECRETARY ROLANDO ANDAYA JR.

DEPARTMENT OF BUDGET

MELINDA MERCADO

NERISSA SANTIAGO

NILINAW

NITO

PHILHEALTH

PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORPORATION

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with