^

Bansa

Paggunita kay Ninoy pangungunahan ni Bro. Eddie

-

MANILA, Philippines - “Ang makabayang pag­ kamatay ni Ninoy Aquino ay marapat daki­lain sa pamamagitan ng pag­silang ng isang Ba­gong Pilipinas.”

Ito ang pahayag ni Bro. Eddie Villanueva, lider ng Bagong Pilipinas, Bagong Pilipino Movement at na­katakdang manguna nga­yon sa komemorasyon ng araw ng kamatayan ni dating Sen. Benigno Aquino, Jr. sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan.

Si Villanueva na isang Bulakenyo ay nanawagan sa lahat ng BPBPM supporters sa buong bansa na lumahok sa pamban­sang pagdiriwang sa pa­trio­tismo ni Ninoy ngayon August 21.

Tinatayang 10,000 BPBPM supporters sa pangunguna ni Villanueva ang magtitipon sa ma­kasay­sayang Barasoain Church sa araw na ito.

Ang pagtitipon ay tinaguriang “Sigaw ng Pilipino: Parangal ng Bula­kenyo para sa Kabaya­nihan ni Ninoy Aquino.”

Dadalo rin sa okasyon ang mga multi-sectoral groups na kaalyado at sumusuporta sa Bangon Pilipinas Party kasama ang mga local na opisyal ng lalawigan sa pangu­nguna ni Bulacan Governor Jon­jon Mendoza.

Sinabi pa ni Villanueva na sa Bulacan nila ida­daos ang aktibidad dahil bayan ito ng mga bayani. 

Ayon kay Villanueva, ang maramihang pagma­martsa ng taumbayan patungo sa Barasoain ay tanda ng nagkakaisang nasa ng mamamayan para sa tunay na reporma o pagbabago sa bansa.

Samantala, pangu­ngu­nahan ng mga kapatid ni Ninoy na sina dating Senator Tessie Aquino-Oreta at Rep. Butch Aquino ang isang misa para sa ika-26 aniber­saryo ng pagka­matay ni Ninoy ngayong alas-10:30 ng umaga sa Bay 11 ng Ninoy Aquino International Airport. (Dagdag ulat ni Butch Quejada)

BAGONG PILIPINAS

BAGONG PILIPINO MOVEMENT

BANGON PILIPINAS PARTY

BARASOAIN CHURCH

BENIGNO AQUINO

BULACAN

NINOY

NINOY AQUINO

SHY

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with