^

Bansa

Pacman kikidnapin!

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dapat mag-ingat si People’s champ Manny “Pacman“ Pacquiao dahil isa itong potensyal na target na dukutin ng mga armadong grupo partiku­lar na ang mga bandi­ dong Abu Sayyaf kapag nag­pu­milit itong maging peace negotiator sa Min­danao.

“He must be extra careful para makasiguro na walang mangyayaring masama, mag-ingat siya sa mga kidnappers, ma­rami nakakaalam sa Abu Sayyaf na maraming pe­rang kinita sa boxing si Pacquiao,” babala ni MILF spokesman Eid Kabalu sa gitna na rin ng suhestiyon ni Senate Minority Leader Aquilino “Nene” Pimentel Jr. na gawing peace negotiator si Pacman sa MILF dahil marami ang umiidolo sa boxing champ.

Ayon kay Kabalu, hin­di niya inaalis ang posibili­dad na makakita ng pag­kakataon ang Abu Sayyaf at dukutin si Pacman lalo na at interesado itong pumagitna kaugnay ng isinusulong na peace talks ng pamahalaan sa kanilang grupo.

“Masyadong delikado ang puntong peace nego­tiatior, hindi tayo sigurado sa Abu Sayyaf,“ giit ni Ka­balu na duda sa bandi­dong grupo na aniya’y posibleng tumitiyempo lamang para bihagin si Pacman.

Aniya, kung ang mga mediamen ay dinudukot ng mga Abu Sayyaf ay mas lalo umanong pag-iinteresan si Pacman na naging bilyonaryo na sa boxing.

Hindi rin itinanggi ni Kabalu na ang grupo ng mga MILF na tumulong sa Abu Sayyaf sa pakikipag­sagupa sa mga sundalo ay mismong kamag-anak ng mga ito.

Muli ring nanindigan ang MILF na bagaman popular si Pacquiao ay hindi nila nais na maging peace negotiator ito dahil masyadong mase­ lang bagay ang prose­song pakikipag-kapa­yapaan na anila’y hindi madadaan sa kasikatan lamang.

Magugunita na hindi ito ang nag-iisang pag­kakataon laban sa boxing icon dahilan maging ang iba pang kidnap for ransom syndicate sa Min­danao ay nais rin itong kidnapin kaya bantay sarado ang pambatong boksingero ng bansa.

vuukle comment

ABU

ABU SAYYAF

EID KABALU

KABALU

PACMAN

PACQUIAO

PIMENTEL JR.

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with