Pagbili ng pres'l jet inatras na ni GMA
MANILA, Philippines - Kinansela na kaha pon ni Pangulong Arroyo ang planong pagbili ng bagong executive jet.
Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, mismong si Pangulong Arroyo ang nag-utos na huwag nang ituloy ang pagbili ng bagong presidential jet dahil baka maging sentro pa muli ito ng batikos matapos ang napaulat na “dinner” sa New York at Washington.
Naunang ipinaliwanag ng Palasyo na kailangang bumili ng bagong eroplano na gagamitin ng Pangulo ng Pilipinas.
Batay sa bid invitation ng Malacañang, P1.2 bilyon ang inilaan para sa pambili ng 2-engine presidential jet na gagamitin sa mga provincial at foreign trips ng Pangulo.
Sa inilabas na statement ng Palasyo, may 2 fixed-wing (F-27, F-28) aircraft ang Presidential Airlift Wing (PAW), pero luma na umano ang mga ito dahil 29 hanggang 50 taon na itong ginagamit at sumasailalim na ito sa check-up at maintenance. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending