MANILA, Philippines - Hindi maaaring gamiting batayan para sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Gloria Arroyo ang magarbong hapunan sa Le Cirque Restaurant sa New York na umanoy ginastusan ni Rep. Ferdinand Martin Romualdez.
Ito ang iginiit ni Jus- tice Sec. Agnes Devanadera na isa rin sa mga kasama sa nasabing hapunan.
Ayon kay Devanadera, tanging mga high crimes lamang na isinasaad sa Konstitusyon tulad ng korupsyon ang maaring gamiting batayan sa paghahain ng impeachment complaint.
Ang nasabing hapu-nan umano ay isang imbitasyon lamang mula sa isang kaibigan at hindi naman ito maaaring tanggihan ng Pangulo.
Nilinaw ni Devanade- ra na hindi naman masyadong sosyal ang Le Cir-que Restaurant taliwas sa nais palabasin ng mga kritiko ng administrasyon.
Idinagdag pa ng Kalihim na nang gabing kumain sila sa nasabing restaurant ay may mga nakasabay pa silang grupo ng mga Filipino na nagse-celebrate ng kaarawan na patunay lamang umano ito na affordable naman ang Le Cirque at hindi kasing sosyal tulad ng pinapalabas ng oposisyon. (Gemma Garcia)