^

Bansa

GMA 'di mai-impeach sa magarbong dinner-DOJ

-

MANILA, Philippines - Hindi maaaring gami­ting batayan para sa pag­hahain ng impeachment complaint laban kay Pa­ngulong Gloria Arroyo ang magarbong hapunan sa Le Cirque Restaurant sa New York na umanoy ginas­tusan ni Rep. Ferdi­nand Martin Romualdez.

Ito ang iginiit ni Jus-  tice Sec. Agnes Deva­na­dera na isa rin sa mga kasama sa nasabing hapunan.

Ayon kay Devanadera, tanging mga high crimes lamang na isinasaad sa Konstitusyon tulad ng korupsyon ang maaring gamiting batayan sa pag­hahain ng impeachment complaint.

Ang nasabing hapu-nan umano ay isang imbi­tasyon lamang  mula sa isang kaibigan at hindi naman ito maaaring tang­gihan ng Pangulo.

Nilinaw ni Devanade- ra na hindi naman masya­dong sosyal ang Le Cir-que Restaurant taliwas    sa nais palabasin ng mga kritiko ng administrasyon. 

Idinagdag pa ng Ka­lihim na nang gabing ku­main sila sa nasabing restaurant ay may mga naka­sabay pa silang grupo ng mga Filipino na nagse-celebrate ng kaarawan na patunay lamang umano ito na affordable naman ang Le Cirque at hindi kasing sosyal tulad ng pinapala­bas ng oposisyon. (Gem­ma Garcia)

AGNES DEVA

AYON

GLORIA ARROYO

LE CIR

LE CIRQUE

LE CIRQUE RESTAURANT

MARTIN ROMUALDEZ

NEW YORK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with