MANILA, Philippines - Umaabot na sa 23 sundalo habang nasa 40 naman mula sa nagsanib puwersang mga bandi dong Abu Sayyaf at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang napaslang sa mahigit 8 oras na engkuwentro sa Sitio Kurelem, Brgy. Silangkum, Tipo Tipo, Basilan.
Sa phone interview, kinumpirma kahapon ni AFP-Western Mindanao Command Chief Major Gen. Ben Mohammad Dolorfino na sa pagpapatuloy ng clearing operations kahapon ng umaga ay nasa 21 bandido ang patay na narekober sa encounter site habang aabot sa 19 pa ang nabitbit ng mga nagsitakas nilang kasamahan base na rin sa pahayag ng kanilang mga intelligence asset.
Nitong Miyerkules ng madaling araw ay sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng mga sundalo at ng grupo ni Abu Commander Furuji Indama kung saan nasa 10 bandido ang naunang narekober na mga bangkay sa lugar.
Kabilang naman sa mga nasawing bandido ay dalawang sub-commander na sina Moton Indama, kapatid ni Sayyaf Commander Furuji Indama, at Asid Sali.
Sinabi naman ni Ar- my spokesman Lt. Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr. na may impormasyon na maliban kina Moton Indama at Sali. Ilan pa sa mga nasawing lider ng mga bandido ay sina Appong Kasanarin, Imamul Mande, Ati Indama, Ongga Piyasta at alyas Poy Asali habang kabilang naman sa mga sugatang bandido ay isang tinukoy na Tereng Buste.
Sa panig ng tropa ng militar, sinabi ni Dolor- fino na 23 sundalo ang nasawi, 20 rito ay mula sa Marines at tatlo sa Army, dalawa rito ay Tinyente at isang Enlisted Personnel.
Labing-tatlo naman ang nasugatang sundalo at isang miyembro ng Special Action Force (SAF).
Inihayag ni Dolorfino na 60 ang orihinal na bilang ng mga bandidong nakasagupa ng tropa ng gobyerno pero habang tumatagal ang bakbakan ay umabot ng tinatayang 150 ang mga kalaban.
Nakarekober rin ng 15 high powered firearms at dalawang Rocket Propelled Grenade (RPG) saka mga Improvised Explo-sive Device (IED) sa pinangyarihan ng bakbakan.