^

Bansa

NCRPO chief isinama sa 'Ruby Rose'

-

MANILA, Philippines - Maging si National Capital Region Police Office Director Roberto Rosa­les ay sinampahan ng rek­lamo sa Department of Justice dahil sa umano’y pagi­ging bias nito sa kaso ng pag­patay kay Ruby Rose Jimenez, kapatid ng dating beauty queen na si Rochelle Barrameda.

Ayon sa kampo ni Atty. Manuel Jimenez Jr., biye­nan ni Ruby Rose, tila nag­sagawa ng trial by publicity si Rosales ng agad nitong sinabi na sangkot ang pa­milya Jimenez sa pagka­wala at pagpatay sa bik­tima.

Ikinatuwiran ni Jime­ nez na dapat mismong korte ang magpatunay kung tunay na si Ruby Rose ang nasa loob ng steel box at nabingwit sa dagat ng Navotas noong Hunyo.

Una na rin inihayag ni Rosales na ang kaso ni Ruby ay sarado na at ito mismo ang nagtrabaho dito isang araw bago italagang NCRPO director. Sinabi din ng kritiko ni Rosales na ginamit lang nito ang kaso ng biktima para sa pro­mosyon at ang pagpapa­ha­yag nito na siya ang susu­nod na director ng Philippine National Police.

Una ng nawala na pa­rang bula si Ruby noong Marso 14, 2007 matapos ang pakikipag-away nito sa mister na si Manuel Jime­nez III para sa kustodiya ng kanilang dalawang anak hanggang makita ang bangkay nito noong Hunyo 10 at Hunyo 11 ng isampa ang kasong murder ng NCRPO laban sa mga Jimenez at limang iba pa kung saan kinilala ang mga ito ng lumantad na witness na si Manuel Montero. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

DEPARTMENT OF JUSTICE

HUNYO

JIMENEZ

MANUEL JIME

MANUEL JIMENEZ JR.

MANUEL MONTERO

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE DIRECTOR ROBERTO ROSA

RUBY ROSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with