^

Bansa

SONA ni GMA masusundan pa

-

MANILA, Philippines - Marami pang SONA ang maririnig umano mula kay Pangulong Gloria Arroyo sa mga susunod na taon dahil hindi niya nilinaw sa sinasabing huli niyang State of the Nation Address noong Lunes na hindi na siya kakandidato sa halalang pampangulu­han sa 2010.

Ito ang palagay ng ne­gosyanteng kritiko ng Pa­ngulo na si Joey de Vene­cia III na nagsabi pa na sinayang ng Punong Ehe­kutibo ang pagkakataon sa huling SONA sana nito na makuha ang simpatya ng publiko.

Sinabi ni de Venecia na hindi ipinahayag ng Pa­ngulo ang planong pulitikal nito sa susunod na taon kaya lalong naghihinala ang mamamayan na patu­loy na kakapit sa kapang­yarihan si Gng. Arroyo.

Kung sakaling opisyal nyang ipinahayag sa kan­yang SONA na wala na syang balak pang palawi­gin ang kanyang termino sa Malakanyang, maging ang mga kritiko niya ay posibleng bigyan sya ng standing ovation at masi­ga­bong pa­lakpak ngunit hin­di niya ito gina­wa, ayon pa kay de Vene­cia.

Isang bagay lang ang masasabi ni de Venecia na maganda sa nakaraang SONA ni Gng. Arroyo, ang suot na gown nito na gawa ng sikat na fashion designer na si Inno Sotto. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

GNG

INNO SOTTO

ISANG

PANGULONG GLORIA ARROYO

PUNONG EHE

SHY

STATE OF THE NATION ADDRESS

VENE

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with