^

Bansa

GMA umalis pa-Amerika

-

MANILA, Philippines - Tumulak na kahapon si Pangulong Gloria Ma­capagal Arroyo patu­ngong Estados Unidos para ma­kipagpulong kay US President Barack Obama at talakayin ang mahahala­gang bagay sa seguridad at iba pa.

Kasama ng Pangulo sina First Gentleman Mike Arroyo, Executive Secretary Eduardo Ermita, Finance Secretary Margarito Teves at iba pang mata­taas na opisyal ng pama­halaan sakay ng Philippine Airlines flight PR-110.

Matapos ang usapan pang-seguridad ay lilipad muli si Arroyo sa New York para kausapin ang mga negosyante doon.

Susunod niyang pu­pun­tahan ang Chicago para makipag-usap sa mga Pilipino doon.

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na si Presidential Political Adviser Gabriel Claudio ang magiging acting executive secretary sa loob ng limang araw dahil kasa­ma siya ni Pangulong Arroyo sa biyahe pati na rin si Press Secretary Cerge Remonde.

Itinalaga naman ni Pa­ngulong Arroyo bilang caretaker si Vice-President Noli de Castro habang nasa US si GMA. (Butch Quejada at Rudy Andal)

BUTCH QUEJADA

ESTADOS UNIDOS

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

FINANCE SECRETARY MARGARITO TEVES

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

NEW YORK

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MA

PHILIPPINE AIRLINES

PRESIDENT BARACK OBAMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with