^

Bansa

26 Pinoy driver na na-istranded sa Dubai nakauwi na

-

MANILA, Philippines - Nakauwi na kahapon ng hapon dito sa Pilipinas ang 26 na driver na Pilipino na nabiktima ng illegal recruiter at napaulat na naistranded at namumulot na lang ng kamatis para mabuhay sa Dubai.

Kinilala ng Overseas Workers Welfare Administration ang mga drivers na sina Aga Bernardino, Ra­binal Anonuevo, Myco Asistin, Zaldy Austria, Antonio Balbosa, Jossie Ban­tillan, Enrico Barrera, Rey­naldo Bernardino, Francisco Bulalacao, Erwin Carbonel, Edilberto Cher­re­guine, Simplicio Cortez, Teodoro Dela Cruz, John Flo­res, Hector Francisco, Joel Garcia, Eduardo Gon­zalez, Bernardino Hernan­dez, Valerio Lazatin, Mar­lon Magat, Dennis Manie­go, Nicolas Pascual, Ricar­do Samaniego, Felix Tor­res, Samson Visico at Do­mingo Zubieto.

Dumating sila sa Ninoy Aquino International Airport dakong alas-3:30 ng hapon sakay ng Gulf Air flight 2256. Sila ay sinalu­bong ng kanilang mga pa­milya at ni OWWA Administrator Carmelita Dimson.

Ayon kay Dimson, na­paso ang mga visit visa ng mga umuwing OFWs na naging dahilan ng pagpa­pauwi sa mga ito.

Naunang pinangakuan ng CYM International Services and Placement Agency ang mga biktima na maba­bago at magiging working visa ang visit visa na gagamitin nila pagpa­sok sa Dubai pero hindi ito nangyari pagdating nila roon at naistranded sila dahil wala silang ma­ku­hang trabaho. (Ellen Fernando)


ADMINISTRATOR CARMELITA DIMSON

AGA BERNARDINO

ANTONIO BALBOSA

BERNARDINO HERNAN

DENNIS MANIE

DUBAI

EDILBERTO CHER

EDUARDO GON

ELLEN FERNANDO

ENRICO BARRERA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with