'Among Ed di ko iboboto' - Cruz

MANILA, Philippines – Tahasang sinabi ni Lin­ gayen-Dagupan Archbi­shop Oscar Cruz na hindi niya iboboto si Pam­panga Governor Ed Pan­lilio saka­ling kumandidato itong pangulo ng bansa sa 2010 elections.

Sinabi ni Cruz na ma­hihirapan siyang ibigay ang boto kay Panlilio lalo pa at alam niyang kulang sa kakayahan ang huli upang pamunuan ang bansa.

“Frankly, hindi ko siya iboboto, sana magbago ang aking kaisipan pero ma­hihirapan akong ibi­gay sa kanya ang aking balota”, ayon pa kay Cruz.

Nilinaw ni Cruz na bi­lang isang tagapagling­kod ng Simbahan, bihasa si Panlilio sa pangangaral ng salita ng Diyos, paki­kinig sa taumbayan at pagsasaga­gawa ng mga sakramento at ang ga­wain ng isang pari ay malayong-malayo kung ang pag-uusapan na ay ang pamamahala sa buong PIlipinas.

Samantala, hindi na­babahala si Defense Secretary Gilbert Teodoro sa pagsali ni Panlilio sa 2010 presidential race.

Ayon kay Teodoro, mas maraming kandidato ay mas masaya at ang ma­agang pagdedeklara ni Panlilio ay makakabuti sa mamamayan dahil ma­susuri nito ang kakaya­han ng isang tatakbong pre­sidente sa 2010. (Gemma Garcia at Rudy Andal)


Show comments