^

Bansa

Pag binigyan ng amnesty ang Sayyaf, AFP troops magwawala!

-

MANILA, Philippines - Magpupuyos sa galit sukdulang mag-alburuto pa ang tropa ng mga sundalo partikular na sa Sulu at Basilan kung pag­kaka­looban ng am­nes­tiya ng pamahalaan ang mga ban­didong Abu Sayyaf na sangkot sa pamumugot ng ulo, kidnapping for ransom at pambobomba.

Ito ang inaming senti­m­yento kahapon ni AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Romeo Brawner Jr. sa gitna na rin ng pag­ko­konsidera ng Pa­lasyo para  bigyan ng am­nestiya ang mga tero­ristang Abu Say­yaf.

Ayon kay Brawner, hindi madali para sa mga sun­dalo sa ‘combat operations‘ ang itigil ang pina­tinding ‘all out efforts‘ upang durugin ang mga bandido dahil marami sa mga pamilya ng mga sun­ dalo ang patuloy na nag­ha­hanap ng hustisya lalo na ang Marines na ang 10 sa 14 na­paslang sa ambush sa Al Bar­kha, Basilan noong Hunyo 10, 2007 ay pinu­gutan ng ulo ng mga ban­dido.

Ang nasabing tropa ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 8 ay nagsa­sagawa ng search and rescue operations sa noo’y bihag na si Italian priest Giancarlo Bossi ng mang­yari ang malagim na insi­dente.

Sinasabing nasangkot rin ang grupo ng Abu Say­yaf sa umano’y pangga­gahasa ng mga hostages na babae na kabilang sa 21 binihag sa Sipadan Beach Resort sa Malaysia noong April 23, 2000 kung saan ang mga ito ay itinago sa Sulu.

Sa Basilan, kabilang sa pinugutan ay ang Peruvian American hostage na si Guillermo Sobero na ang ulo ay inire­galo ng napatay na si Abu Sayyaf spokesman Aldam Tilao alyas Abu Sa­baya kay Pangulong Arroyo noong Hunyo 12, 2001.  

Si Sobero ay kabilang sa 20 kataong bihag na kasamahan rin nina American missionary couple Martin at Gracia Burnham na itinago sa Basilan matapos namang dukutin noong Mayo 27, 2001 sa Dos Pal­mas Beach Resort sa Puerto Princesa City, Pala­wan.

Aminado si Brawner na hati ang sentimyento ng mga sundalo pero mas marami sa mga ito ang mag­pupuyos sa galit at mahirap itong pigilin.

Gayunman, prero­gatibo umano ni Pangu­long Arroyo bilang Commander in Chief kung mapag­bibigyan ang am­nestiya sa mga bandido. 

Naunang sinabi ni Executive Secretary Eduar­do Ermita na pag-aaralan ng Malacañang ang pa­nukala ni Sen. Richard Gordon na pagkakaloob ng amnestiya sa ASG. (Joy Cantos/Rudy Andal)

ABU SA

ABU SAY

ABU SAYYAF

AL BAR

ALDAM TILAO

BASILAN

BEACH RESORT

CHIEF LT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with