^

Bansa

Abu Sayyaf dudurugin

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Inutos kahapon ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Victor Ibrado na magsagawa na ng pang­kalahatang opensiba la­ban sa mga bandidong Abu Sayyaf makaraang palayain ng mga ito ang bihag na Italian na si Eugenio Vagni.

Ginawa ni Ibrado ang utos kasunod ng direktiba ni Department of National Defense Secretary Gil­berto Teodoro Jr. sa tropa ng militar na dakpin nang buhay ang mga bandi­dong bumihag sa natu­rang Italyano mula noong Enero.

Tinagubilinan ni Teo­doro si Ibrado na ibuhos ang buong makinarya ng AFP para malipol ang na­lalabi pang mga bandi­dong Abu Sayyaf sa Sulu at Basilan.

Kabilang sa mga lider na target ng militar ang mga lider ng Abu Sayyaf na sina Commander Al­bader Parad, Abu Jumdail alyas Doc Abu Pula at Isnilon Hapilon. Sa Basi­lan ay sina Commander Furuji Indama, Nurhas­san Jamiri at iba pa.

Sinabi ni Teodoro na hangga’t maari ay buhay na dakpin ang mga lider ng Abu Sayyaf upang ma­iharap sa paglilitis ng batas at mabigyang hus­tisya ang mga biktima.

Nilinaw naman ng ka­lihim na, kung ayaw pa­huli nang buhay ang lider ng mga bandido, alam na ng mga sundalo ang kani­lang gagawin.

Pinalaya ng mga ban­dido si Vagni sa Asibih Lagasan, Maim­bung, Sulu noong Linggo.

Sinabi ni Teodoro na palalakasin rin ng tropa ng militar katuwang ang puwersa ng pulisya ang Barangay Defense system upang mapabilis ang pagdurog sa mga bandi­do at huwag nang maulit muli ang kidnapping la­ban sa mga inosenteng biktima.


vuukle comment

ABU JUMDAIL

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES CHIEF OF STAFF GENERAL VICTOR IBRADO

ASIBIH LAGASAN

BARANGAY DEFENSE

COMMANDER AL

COMMANDER FURUJI INDAMA

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE SECRETARY GIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with