^

Bansa

Odchimar, bagong CBCP president

-

MANILA, Philippines - Nahalal na bagong pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) si Bishop Nereo Odchi­ mar ng Tandag, Surigao del Sur na dating bise presi­dente ng CBCP kung saan papalitan nito si outgoing CBCP President Archbishop Angel Lagda­meo ng Jaro, Iloilo.

Nabatid na si Odchi­mar, na naging kontro­bersiyal matapos na ma­paulat na nakipagkita kay Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo bago ang CBCP election, ay naha­lal sa pwesto matapos na makuha ang majority ng boto ng mga Obispo mula sa 86 na diocese ng Simbahang Katoliko sa bansa.

Sa Disyembre 1 ng taon pormal na uupo sa pwesto si Odchimar para bigyang daan ang kum­pletong dalawang ter­minong panahon ni Lag­dameo.

Nakasaad sa CBCP rules na tig-dalawang ter­mino lamang o ka­tumbas ng apat na taon ang pa­na­hong naka­luklok sa pwesto ang presidente at bise pre­sidente ng CBCP ha­bang ang iba pang mga opisyal o chairmen ay mayroong hanggang li­mang termino o katum­bas naman ng 10 taon.

Sa­man­tala, nahalal namang bagong bise pre­sidente ng CBCP si Palo, Leyte Archbishop Jose Palma kapalit ni Odchi­mar. (Doris Franche/Mer Layson)

BISHOP NEREO ODCHI

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CBCP

DORIS FRANCHE

LEYTE ARCHBISHOP JOSE PALMA

MER LAYSON

ODCHI

PANGULONG GLORIA MACA

PRESIDENT ARCHBISHOP ANGEL LAGDA

SA DISYEMBRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with