Dumlao malabo pang makauwi

MANILA, Philippines - Aminado ang Department of Justice (DOJ) na blangko pa hanggang ngayon ang pamahalaan kung kailan ma­kakabalik ng bansa si dating Police Supt. Glenn Dumlao, isa sa mga akusado sa Dacer-Corbito double murder case.

Sa pahayag ni Justice Secretary Agnes Deva­ nadera, wala pang abiso mula sa US District court kung kailan mapapadeport si Dumlao. Wala pa rin umanong naisu­sumiteng deposition paper si Dumlao kaya malabong makauwi ito sa sa mga susunod na araw.

Una nang sinabi ng DoJ na sa oras na makauwi ng bansa si Dumlao ay saka na sisimulan ang preliminary investigation sa naturang kaso. Ang isa sa pangunahing suspek na si Supt. Cesar Mancao ay nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation matapos mapadeport.

Tiniyak naman ni Deva­nadera na sa oras na ma­ka­balik ng bansa si Dumlao ay papaspasan na ang imbestigasyon sa nasabing kaso. (Ludy Bermudo)

Show comments