Misa di kakanselahin

MANILA, Philippines – Nilinaw kahapon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi nila kinakansela ang mga banal na misa kaug­nay ng kuma­kalat na sakit na influenza AH1N1 virus.

Pinabulaanan ni CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs Chairman Bishop Deogracias Iniguez na may ipinalabas silang kautusan.

Idiniin niya na pinapa­yuhan lamang nila ang mamamayan na huwag na munang dumalo sa mga Banal na Misa kung may karamdaman o nakakaram­dam ng mga flu-like symptoms. (Mer Layson)


Show comments