^

Bansa

Bahay ni Dr. Vicki Belo sinalakay ng NBI agents

-

MANILA, Philippines – Sinalakay kamakailan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang bahay ng cosmetic surgeon na si Dr. Vicki Belo sa Dasmarinas Village, Makati City para halughugin at hanapin ang kanyang mga computer dito.

Ito ang nabatid kahapon sa abogado ni Belo na si Atty. Adel Tamano na bumatikos sa tangkang pagsalakay ng NBI sa bahay ng kanyang kliyente nang walang search notice o pasabi.

Sinabi ni Tamano na, ayon sa isa sa mga ahente ng NBI na si Palmer Mallari, pinuntahan nila ang bahay ni Belo kaugnay sa reklamo ng aktres na si Katrina Halili.

Bukod kay Belo, idinemanda ni Halili ang dati nitong lover na si Dr. Hayden Kho at tatlo pang mga kaibigan nito dahil sa pagkalat sa internet ng sex video nila ni Kho.

Nabatid na pinapasok ng guwardiya ng subdivision sina Mallari at mga kasama nitong sina Christian Ibasco at Glenn Nolacio makaraang magpakilala at magsabing pupuntahan nila si Belo.

Kahit wala sa bahay si Belo, iginiit umano nina Mallari sa naabutan nilang tao na papasukin sila sa loob para maghalughog at hanapin ang mga computer dito.

Isa sa mga katulong sa bahay ang tumawag sa telepono kay Belo na siya namang kumontak kay Tamano.

Kaugnay nito, pinuna ni Tamano na hindi na­ ra­rapat ang ginawa ng NBI dahil tinitiyak naman nila sa ahensya na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon.

“Kung gusto nilang makita ang logbook o mga computer, kailangan lang nilang dumaan sa kaukulang proseso at tanungin kami,” sabi pa ng abogado.

Sinabi ni Tamano na nakausap niya sa telepono si Mallari noong nasa bahay pa ito ni Belo.

Ipinahiwatig naman ni Belo sa isang panayam na naalarma at nabahala siya sa ginawa ng NBI dahil nakikipagtulungan naman siya. (Sandy Araneta)


ADEL TAMANO

BELO

CHRISTIAN IBASCO

DASMARINAS VILLAGE

DR. HAYDEN KHO

DR. VICKI BELO

GLENN NOLACIO

MALLARI

TAMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with